Heneral Luna: Pagtangis

Sunday, November 01, 2015



Iginapos at ikinulong siyang pilit.
Binawian ng tinig,
walang dulot kundi pasakit.
Pakinggan itong Inang Bayan,
walang magawa kundi tumangis na lamang.

Ano pa nga ba ang kanyang aasahan,
kung siya mismo’y tinalikdan
para sa posisyon at kapangyarihan.
Nilagutan ng hininga ang mga anak niyang
hangad lamang ay ang kaniyang kasarinlan.

Mapa-Indiyo o Illustrado,
Tungkulin natin siyang ipaglaban.
Ngunit bakit kailangan nating isipin
ang ating pansariling kapakanan.
Hayaang luha niya’y umagos ng walang hangganan.

Bakit kailangang pairalin
pagiging makasarili at gahaman natin?
Ngayon nga’y mga dayuhan ay nagdidiwang,
tayo nga’y nagpaalipin
sa ating sariling interes at kapakinabangan.



P.S: Inspired by the movie, Heneral Luna. A movie on Gregorio del Pilar is in the works, can't wait for Paolo Avelino to show his outstanding skills! Read more here. :)

You Might Also Like

0 comments